Pintuan ng Puso
RJ. C. Yosoya
RJ. C. Yosoya
Maraming pangyayari sa buhay ng tao na hindi natin maintindihan. Maraming katanungan na sa isip ay nagsisiksikan. Puro kaguluhan ang laman ng ating isipan. Sadya nga bang ganyan ang takbo ng ating kapalaran? Nakakaranas tayo ng kasiyahan. Minsan naman ay kapighatian. Minsan tayo'y litong-lito na hindi na natin halos malaman kung ano ang ating gagawin. Maging ako man ay ganito rin ang nararamdaman. Minsan sa buhay ko di ko na alam kung saan ang aking patutunguhan.
Hanggang sa dumating ang isang araw na ako'y may nakilala. Isang butuhing babae na ang Panginoon, sa akin ay higit na pinakilala. Sa simula palang nang ako'y magkamalay nalaman ko nang may isang Panginoon na higit na nakakalamang sa atin. Isang Panginoon na laging nagbabantay sa atin. Ang hindi ko lang alam may pagkakaiba pala ang alam ko lang kaysa sa pinaniniwalaan ko na. Hindi pala sapat ang aking nalalaman upang buhay ko'y maging mas makabuluhan. Buti nalang at ako'y natagpuan ng isa sa kanyang nilalang na siyang nagpahiwatig sa akin tungkol sa magandang buhay na sa akin ay nakaabang. Lahat pala ng kaalaman na iyon ay hindi sapat upang ako' y maging karapatdapat na magpakaligaya sa lahat ng biyayang aking natanggap. Higit pala doon ang tanging hangad ng Panginoonna aking matanto. Sabi pa niya sa akin na kung pintuan ng aking puso ay aking bubuksan at Panginoon ay papasukin sa kaloob-looban, ako'y tiyak na makadarama ng kaligayahang walang katumbas Tanggapin lamang ang Panginoon ng bukal sa puso, tiyak na mabigat na kalooban ay gagaan. Tinanatanggal nito ang tinik na sa puso ay nakakubli. Mga masasakit na sugat ng nakaraan na nagdulot ng labis na kalungkutan ay sadya nalang maghihilom ng kusa nang hindi namamalayan. Tila ako'y dinuduyan ng hangin sa labis na kaligayahan na aking natamo nang Panginoon ay pinapasok ko sa aking puso.
Buhay nga naman ng tao akala nati'y walang kasiguruhan. Gayun pala' y may isang lihim, na sa likod nito'y nakatago. Na kapag ang misteryo nito'y ating matuklasan, tunay at wagas na kaligayahan ang tiyak na makakamtan. Buksan lamang natin ang pintuan ng ating puso, katiyakan sa buhay na walang hanggan ang siyang ating matatamo.

No comments:
Post a Comment