Katok sa Pintuan
Rielsan Joy C. Yosoya
Sadyang napakaliit ng mundong ating ginagalawan,
Na sa hindi inaasahang pagkakataon,ikaw ay nasilayan.
Sa mga sandaling ako'y puno ng kalungkutan,
Kaligayahang hangad muli ay nakamtan.
Maraming katanungan na sa puso't isip ko'y nakakubli,
Bakit kailangan pang may dalamhati?
Hindi ba pwedeng kaligayahan nalang?
Bakit nga ba ganito ang buhay?
Ngunit sa kabila ng kaguluha't lahat,
Ako'y bigla mong nilapitan,
At kumatok ka sa aking pintuan,
Naghihintay na ikaw ay pagbuksan.
Sa simula'y hindi ko maintindihan,
Bakit labis ang aking kaligayahan.
Nang pintuan ko'y aking pagbuksan,
Na maging bigat na naramdaman ay nawalang biglaan.
Iyon pala'y aking natuklasan,
Na mga kabigatan palang iyon ay iyong pinasan.
Buti nalang at kumatok ka sa munting pintuan,
Ng puso kong puno ng kalungkutan.
O Panginoon sadyang napakabusilak ng iyong kalooban,
Na maging ako na makasalan ay muli mong tinanggap
Sa banal mong tahanan.
Maraming salamat sa iyong mga pangako, na sadyang hindi napapako.
Higit sa lahat sa buhay na iyong pinagkaloob.

No comments:
Post a Comment