Thursday, August 21, 2008

Mahal kong Mirasol,

Kabutihan mo sa aki'y walang kapantay,
Di mabilang, di masukat
Pagmamahal mo'y totoo at tunay
Na sa kagandahan nito'y nagbibigay buhay.

Bawat problemang nagdaan, ika'y nariyan
Sa pag-ikot ng gulong ng buhay ika'y nakaalalay
Singbilis ng kabayo kung ika'y tumulong
Agad-agad katauhan mo'y aking nasasalubong.

Lubos aking pasasalamat!
Ika'ydumating sa aking buhay
Puno ng siglat't galak sa mundo kung nalulumbay
Sana di ka magbago mahal kong kaibigan.

Nagmamahal,

ALER

HANDOG

Matamlay ang mukha ni Maya, hals hindi maipinta. Magang-maga ang mga mata sa kaiiyak at palagi nalang nalulmbay sa kakaisip kay Ivan buhat ng ito'y lumiban sa Pilipinas at pumuntang Canada. Tulad ni Maya, halos hindi rin makakain si Ivan sa kakaisip sa kanya. Upang makaiwas sa lumbay ay tinitiganna lang ni Ivan ang larawan ni Maya na kanyang dala-dala kahit saan siya magpunta. Sa bawat titig niya sa larawan ni Maya a may salita siyang sinasambit "Hintayin mo ako Jyam,mahal na mahal kita". Jyam ang naging tawagan nina Ivan at Maya na ang ibig sabihin nito'y " Just You and Me"
Limang buwan ang nagdaan, wala ng komunikasyon and dalawa. Si Ivan a hinu na tumatawag kay Maya, ni anong impormasyon tungkol kay Ivan a walang nalalaman si Maya. Mas lalong naging malungkot si Maya.
Si Maya ay nagtratrabaho sa isang Calling Center. Buhatng si Maya a bata pa lamang, marami na itong mga kaibigan sapagkat ito'y mabait at malambing. Nakilala niya si James na kasama niya sa trabaho. Naging malapit ang isa't isa. Magkasabay silang kumakain ng tanghalian hanggang sa pag-uwi. Kadalasan, inihahatid i James si Maya sa kanilang bahay sapagkat ito'y may motor. Halos alam na ni James ang tungkol sa buhay ni Maya at alam din niyang ito'y ikakasal na. Hinihintay niya lamang ang kasintahan nito na nasa Canada. Alam din niysng labis ang kalungkutan ni Maya sapagkat hindi na tumatawag si Ivan sa kanya.
Isang buwan na naman ang lumipas. Naging maayos ang takbo ng buhay ni Maya. Para bang naging makulay ang malungkot niyang mundo, at ito'y nagkaroon ng buhay ngunit hindi niya malaman ang kung ano ang naging dahilan nito. Sa bawat araw na nagdaan, hindi niya namalayang umiibig na pala siya sa kanyang sa kanyang matalik na kaibigan. Naisip niyang naging ganito siguro siya dahil siguro sa labis na kalungkutan at pangungulila kay Ivan. Nangangailangan siya ng taong makakatulong sa kanya.
Si James ay may pag-ibig palang nadarama kay Maya buhat ng sila'y nagkilala. Pilit lang niyang tinatago it sapagkat alam nyang si Maya ay ikakasal na at labis ang pagmamahal dito. Ang tanging maipapaubaya lamang niya kay Maya ay ang pagmamahal nito sa kanya.
Buwan na naman ang lumipas, naginag si James at Maya. Minahal ni James si Maya ng labis at gann din si Maya. Nagpakita ng labis na pagmamahal si James kay Maya subalit si Maya ay nalilito pa rin sapagkat siya ay nagkasala kay Ivan. Alam nyang ito ay aaalabis syang mahal. Naisip din ni Maya sa kanyang sarili sarili na sya ay masama sapagkat sarili lamang nya ang kanyang iniisip. Ngunit kapwa ang dalawa ay talagang mahal nya.
Araw ng Martes, ng si Maya ay nag-open ng kanyang email-add ay nagulat syang bigla sapagkat si Ivan ay nag-email sa kanya. Ang nakalagay ay uuwi na sya sa susunod na buwan at tamang-tama naman ang petsa ng pag-uwi ni Ivan ay sya ding anibersaryo nila ni James. Naging mas matindi pa ang pagkalito ni Maya sa mga pangyayari. Natatakot syang sabihin ka James sapagkat ayaw nyang masaktan ito. Ngunit naisip din nyang may karapatan si James na malaman ito.
Tinawagan ni Maya si James at nagtugon na kailangan na silang mag-usap sapagkat ma importanteng sasabihin si Maya. Kinabahan si James sa mga sasabihin ni Maya.
Araw ng Sabado, nag-usap sina James at Maya. Doon sila sa lugar kung saan sinagot ni Maya si James. Hindi na tinigalan pa ni Maya ang kanyang gustong sabihin kay James. Sinabi ni Maya kay James na uuwi na si Ivan sa susunod na buwan at eksaktong petsa ndin ng kanilang anibersaryo. Kapwa ang dalawa ay nasaktan sa mga pangyayari, kaya't pinakiusapan ni James si Maya na hiwalayan na lamang sya at piliin si Ivan. Nasaktan ng lubusan si Maya sapagkat mahal din nya si James. Kapwa ang dalawa ay umuwing naghihinagpis.
Bawat araw na sila ay nagkikita sa trabaho ay pasulyap-sulyap na lamang ang dalawa. Hindi na sila nag-uusap at sabay sa pag-uwi at pagkain. Mababakas pa rin sa mga mata ng dalawa ang pag-ibig sa isa't isa.
Araw ng Byernes, bukas na ang pagdating ni Ivan, humingi ng pabor si James kay Maya na kung pwede ba silang magkita sa huling pagkakataon. Hindi naman tumangi si Maya. Nagkita ang dalawa. Nilubos-lubos nila ang pagkakataon. Nagkwentuhan sila sa kanilang mga pinagdaanan noon, amg mga masasaya at malulungkot nilang karanasan. Nagpaalam in si Jammes kay Maya na ito'y aalis papuntang Cebu. Nag-iwan si James kay Maya ng isang bagay na tanging makapagpaalala sa kanilang pagmamahalan. Magbukang-liwayway na ng maka-uwi si Maya sa kanilang bahay. Natulog lamang sya ng tatlong oras at agad pumunta sa paliparan upang sunduin si Ivan. Laking mangha din nya ng makita nya si James sa paliparan. Hindi sila kumibo at para bang hindi sila magkilala. Ilang saglit lamang ay dumating na si Ivan at dumeretso sa bahay ni Maya.
Ilang buwan ang nakalipas buhat ng sila ay ikasal ni Ivan ay buntis na si Maya. Labis na pagmamahal at pag-aaruga ang ipinakita ni Ivan kay Maya. Subalit labis na pagkatakot ang nasa lob ni Maya sapagkat hindi si Ivan ang ama ng bata na nasa kanyang sinapupunan. Naisip ni Maya sa sarili na kahit wala si James sa kanyang tabi ay mayroon naman itong iniwang alaala.

Labels: ALER PAGENTE

Wednesday, August 13, 2008

Hindi Pala
R.J. Yosoya

May magkasintahan na nakatakda na sanang magpakasal nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi matuloy-tuloy. Bigla-bigla kasi na may natanggap ang lalaki na isang liham na nagsasabi na siya ay natanggap na magtrabaho sa Canada.Hindi malaman ng lalaki kung paano niya ipaliliwanag sa babaeng pinakaiibig ang balitang natanggap. Ang lalaking ito ay nagngangalang Jb at ang kanyang kasintahan naman ay si Hannah.
Dumating na lamang ang panahon na nagkaroon din siya ng lakas ng loob na sabihin iyon sa kanyang kasintahang si Hannah. Hindi mapakali si Jb nang papalapit na si Hannah sa kaniya. At nang malapit na siya'y dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay nito sabay ang pagsabi na kung maaari, hindi muna matutuloy ang kanilang kasal. Napayuko at napaluha si Hannah dahil dito. Ipinaliwanag ni Jb kung bakit biglaan ang naging desisyon niya. Sinabi niya kay Hannah na hindi siya magtatagal doon at paparoon lamang siya upang mapaghandaang mabuti ang darating na kasal nila. Hindi gusto ni Hannah na magkalayo sila ngunit naintindihan din naman niya ang kanyang nobyo at malaki din ang tiwala niya kay Jb. Nagdaan ang ilang araw at nagtungo na nga si Jb sa Canada.
Naging maayos naman ang kanyang kalagayan doon. Malaki-laki rin 'yong kompanyang pinagtatrabahoan niya. Sa mga oras na magkalayo sila ay nagpapalitan sila ng mensahe sa kanilang e-mail. Naging maayos ang samahan nila kahit na nagkalayo sila. Nagdaan ang ilang araw at ilang Linggo, naging abala na si Jb sa kanyang trabaho. Paminsan-minsan nalang siyang nakakapadala ng mensahe kay Hannah. Habang si Hannah naman ay araw-araw na naghihintay ng kanyang mga mensahe.Masayang-masaya si Hannah sa tuwing makakatatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang minamahal. Ngunit pagtingin niya isang araw ay wala pala, hindi nakapadala ng mensahe si Jb. Nalungkot siya, pero isinasaisip niya na marahil ay naging abala lang si Jb kaya wala siyang mensaheng natanggap. Nagdaan pa ang ilang Linggo at napagod din si Hannah sa kakatingin kung may mensahe siyang natanggap.Nagpadala siya ng mensahe kay Jb na hindi muna siya mag-eemail. Napag-isip-isip ni Hannah na hahayaan na muna niya si Jb na makapagtrabaho ng maayos at hindi na muna niya ito gugulohin. Dahil sa pasya niyang ito ay iginugol niya ang kanyang panahon sa iba't-ibang bagay na gustong-gusto niyang gawin dati pa. Naging masaya si Hannah sa kabila ng kanyang pananabik na makitang muli si Jb. Masaya siyang inaalagaan ang kanyang mga halaman, dinidiligan ito na puno ng pagmamahal. Itinuon niya ang kanyang panahon sa mga ganitong bagay.
Hanggang sa isang araw ay nagkita sila ng kanyang kababata na si Tristan. Mga sampung-taon din silang hindi nagkita dahil sa lumipat na sina Tristan ng bahay noong hayskul palang sila. Sa kanilang muling pagkikita ay nanumbalik ang kanilang matatamis na alaala ng nakaraan. Naalala nila iyong mga panahon na nagkukuwentuhan at nagkukulitan sila. Masayang-masaya sila tuwing sila ay magkasama. Hindi maitago ni Tristan ang lihim niyang nararamdaman para kay Hannah dati pa. Kaya ngayon na nagkita silang muli, hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at pinagtapat na talaga niya kay Hannah ang kanyang nararamdaman. Nagulat si Hannah sa sinabi niya ngunit nakaramdam din siya ng tuwa dahil siya rin pala ay may lihim rin na nararamdaman kay Tristan. Hindi naging madali ang lahat sa kanilang dalawa. Ipinagtapat din ni Hannah kay Tristan ang kanyang lihim na nararamdaman ngunit ipinaliwanag din niya dito na hindi na ito maaari dahil nakatakda na silang ikasal ng kanyang kasintahan. Nalungkot si Tristan, ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Mahal na mahal niya si Hannah at hindi niya hahayaang mawalay ito ulit sa kanya. Sinabi niya kay Hannah na ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig. Dahil sa mahal din ni Hannah si Tristan ay sinagot niya ito. Naging magkasintahan silang dalawa simula noon.
Sa kabilang dako naman, nagkaroon din ng panahon si Jb na magpadala at magbasa ng mensahe sa kanyang e-mail. Nalaman niyang matagal na rin palang hindi nag-eemail si Hannah, kinamusta niya ito at sinabing isang buwan nalang at uuwi na siya. Nagkataon din naman at binuksan ni Hannah ang kanyang email sa panahon na iyon.Kinakabahan si Hannah habang binabasa ni Hannah ang mensaheng ito. Gulong-gulo siya kung ano ang kanyang gagawin. Pinadalhan din niya ng mensahe si Jb at nagpalitan nga sila ng mga mensahe sa panahong iyon. Nang makauwi na si Hannah tinawagan niya si Tristan. Sinabi nito sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Jb na malapit na siyang umuwi. Agad namang pinuntahan ni Tristan si Hannah. Pagdating niya'y halos hindi niya maitago ang kalungkutang kanyang nadarama. Bigla na lamang niyang nilapitan si Hannah at niyakap ng mahigpit sabay ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Walang boses na lumabas sa kanilang mga bibig. Tumulo rin ang mga luha sa mga mata ni Hannah ng makita niya ang mga luha ni Tristan. Ang mga luhang ito'y nagpapahiwatig na ipinauubaya na ni Tristan si Hannah kay Jb. Napakasakit man ito para sa kanya ngunit ayaw niyang masira si Hannah sa harap ng kanyang pamilya at sa pamilya ni Jb. Simula noon ay nagpasya silang iwasan na muna ang isa't isa upang magkaroon din sila ng pagkakataon na makapag-isp-isip kung ano ang kanilang dapat gawin.
Lumipas ang isang buwan, at papauwi na nga si Jb at susunduin siya ni Hannah sa airport. Ngunit bago nagtungo si Hannah sa airport ay pinuntahan na muna niya si Tristan. Niyakap niya ito at bigla siyang umiyak. Sinabi ni Tristan sa kanya na " Huwag tayong mawalan ng pag-asa, pasasaan pa't kung tayo talaga, tayo talaga". Hindi nga natin inaasahan na magkita tayong muli ngunit Diyos na rin ang gumawa ng paraan at nagkatagpo tayong muli. Humayo si Hannah na puno ng pag-asa.
Dumating na siya sa airport. Sobrang kaba niya nang makita niya si Jb na papalapit na. Nanlalamig siya nang papalapit na ito ng papalapit. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin at kung ano ang kanyang sasabihin. Hindi niya alam na kinakabahan din pala si Jb. Nakangiti nga siya ngunit may kaba pala ito sa kanyang dibdib. Nilapitan siya ni Jb at niyakap ng mahigpit. Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata nito. Nabigla siya sa ginawa ni Jb at napaiyak din siya. Tinanong niya ito kung ano ang nangyari at kung ano ang problema. Naupo sila sa upoan na malapit lang sa kanilang kinatatayoan. Huminahon na si Jb sa kanyang pag-iyak, at ipinaliwanag niya kay Hannah ang mga pangyayari. Sinabi niya kay Hannah na pinilit niyang maging tapat sa kanya. Ngunit sa mga panahong nagkalayo sila ay hindi niya maiwasang umibig sa iba. Umibig siya sa kanyang kasamahan sa trabaho. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi na siya gaanong nakakapadala ng mensahe kay Hannah. Itatakda rin pala ang kanilang kasal sa araw ng kasal nila ni Hannah. Napaiyak lalo si Hannah at ipinagtapat din niya kay Jb ang naging relasyon nila ni Tristan. Naging masakit sa kanilang dalawa ang mga pangyayari ngunit naging masaya naman sila dahil natagpuan nila ang kanilang tunay na minamahal. Kaya simula noon, naging malapit na magkaibigan na lamang silang dalawa. Natuloy na rin ang kanilang kasal, ngunit sa magkaibang tao nga lamang na kanila talagang tunay na iniibig. Inakala nila noong una na sila na talaga ngunit hindi pala. Sadyang ganyan ang buhay kung minsan hindi na natin namamalayan ang takbo nito at hindi natin kayang malaman kung ano ang kahihinatnan nito. Sadyang Diyos lamang ang tanging nakakaalam.

Wednesday, August 6, 2008

Salamat

Pinapatawa mo ako,
Nandyan sa pag-iyak ko,
Iniintindi mali ko.
Alam ko mapalad ako,
Dahil 'kay kaibigan ko.
Salamat kaibigan ko.
Salamat Panginoon ko.
Ibinigay mo sa Mark ko.
Siya'y iniingatan ko,
Minamahal ng totoo.
Mahal kong Jayphard,


Para lang sa iyo ang liham na ito. Galing pa sa aking puso ang mga nakasulat dito. Gusto ko lang sana na kumustahin ka sa pamamagitan ng sulat na ito. Nalaman ko kasi sa iyong kaklase na hindi ka raw nag - aaral ng mabuti diyan sa IIT. Naku! Bilang kaibigan mo, lubos akong nag - aalala sa iyo. Huwag mo sanang sayangin ang pera ng iyong mga magulang. Ibinili mo raw ng sigarilyo ang iyong barya? Kaibigan ko, masama iyan sa kalusugan mo. Sana pahalagahan mo ang sarili mo kagaya ng pagpapahalaga ko sa iyo. Huwag mong abusuhin ang iyong katawan sapagkat iyan lamang ang puhunan mo sa iyong pag - aaral. Malaki ka na at alam mo na ang tama at mali. Gusto ko sana kitang isumbong sa mga magulang mo ngunit nagdalawang isip ako. Alam ko na makakaya mo ring magbago.

Bago ko tapusin ang aking liham, gusto kong malaman mo na bibisitahin kita diyan sa susunod na linggo. Nais ko sana na magandand balita ang aking mararatnan. hanggang dito na lang at mag - iingat ka sana diyan aking kaibigan.


Lubos na nagpapahalaga,

Silfas

Tuesday, July 29, 2008

Napkin

Taong 2004, buwan ng Hunyo, araw ng Lunes, simula na naman ng pasukan. Abala at maagang gumising ang mga kabataan upang magtungo sa kani-kanilang paaralan. Kabilang na ako sa mga kabataang ito. Sa akilng pagdating sa paaralang Sto. NiƱo High School, aking namasid ang iba't ibang mukha ng mga taong labas pasok sa paaralan; may nagkakamustahan hinggil sa nagdaang bakasyon, may kusang nagpakilala sa kanyang sarili upang magkaroon agad ng bagong kaibigan, ang iba'y hindi pa alam kung saan ang kanilang silid-aralan, ang iba'y naghahakot ng upuan at naglilinis at meron ding nagpapa enrol pa.

Sa aking pagpasok sa aming silid-aralan, agad kong nakilala sina Masu at Ryan. Si Masu ay taga Esperanza at si Ryan naman ay taga Rupagan. Kapwa sila bago sa paningin ko. Nakaupo ako sa gitna nila. Sa kanang panig naman ni Ryan nakaupo si Rony. Si Rony ay baguhang estudyante din at hinihinalang nag-graduate bilang valedictorian. Nagustuhan ko si Rony dahil sa naiiba nyang katangian. Naging inspirado akong pumasok araw-araw.

Apat na buwan na ang lumipas at kaming tatlo'y naging matalik na magkakaibigan. Sabay kaming umuwi, mag snack, at minsan nga'y nagbabahagian kami ng aming takdang aralin. Tinuturuan din nila ako ng larong basketbol.

Araw ng Miyerkules, isang linggo na lang, palakasan na namin. Walang pasok ngunit kinakailangan pa ring pumunta sa paaralan. Ang mga guro'y naging abala sa paghahanda at pagpapalow-up ng kanilang mga estudyante. Ang mga estudyante nama'y abala din sa pag-eensayo ng mga sayaw at laro.

Lunes ng hapon, unang araw ng aming palakasan, simula na ng paligsahan sa iba't ibang laro. kaming tatlo ang laging magkasama. Sa amiong silid-aralan, sa may gilid ng aming pisara ay may bakal kaming ikinakabit doon upang gawing ring. Si Masu ang laging nagdadala nito at si Ryan naman ang nagdadala ng bola. Dahil hindi ako marunong maglaro, tinuruan nila ako. Sa aming paglalaro may naramdaman akong kakaoba sa aking sarili kung kaya't ako'y umupo na lamang. Tiningnan ko ang dalawa sa kanilang paglalaro. Tumatawa ako ng malakas na para bang hindi ako makahinga. Sa aking pagtawa, di ko namalayang namantsahan ng dugo ang aking uniporme. Menstruation period ko nga pala! Natabunan ng katahimikan ang aking kasiyahan. Napalingon si Ryan at nagtaka kung bakit ako natahinik bigla. Tinanong ako ni Ryan. Dahil sa may tiwala ako sa kanila, sinabi ko lahat. Kapwa kami walang pera. Si Ryan ay lumabas at di nagsabi kung saan siya patutungo. Pinuntahan pala niya si Rony at doon humingi sa kanya ng tulong. Sa pagbalik ni Ryan ay may dala-dala na siyang napkin. Ibinigay niya sa akin at tinanggap ko naman. Magkahalong damdamin ang aking naramdaman nang sinabi ni Ryan na humingi siya ng tulong kay Rony, subalit huli na ang lahat, nagamit ko na.

Sa bawat araw ng buhay ko, noong hyskul, ako'y nahihiyang tumingin sa mukha ni Rony sapagkat di ko lubos maisip ang kabutihan niya sa akin. Ang karanasang ito'y nagbigay sa aking ng aral, na sa bawat pag-ikot ng ating buhay maging tayo'y nasa ibaba o itaas man ang ating mga kaibigan ay handang tumulong at handang umalalay sa atin.
Ang Celebrity

Kahit saan dako ka man ng Pilipinas
Ito ang palaging bukangbibig ng bawat tao
Bata, matanda, mahirap o mayaman man
Walang pinipili at lahat ay pinapatulan.

Ito ang mainit na paksa sa telebisyon at babasahin
Kaya naman lahat ay napupurwesyo
Pati senado ay naaagrabyado rin
Hay naku! Ang hirap maging celebrity.
Araw-araw ika’y tinitingala na parang isang bituin
Madaling araw pa lang ay pinipilahan at iniaagawan
Dahil sa iyong napakamandag na karisma
Bakit pa kasi naging celebrity?

Ngunit minsan ika’y nakakasakit na
Sabi nila maganda ang iyong hangarin
Ngunit bakit maraming inosente ang nasasaktan?
Ano ka ba talaga? Hulog ng langit o hindi?

Kailan kaya maaalis ang amor mo sa masa?
Ang iyong pagiging celebrity?
At ang bagsik ng iyong pangalan?
Ohh! NFA na bigas !